VLADIMIR PUTIN
Russian President Vladimir Putin

Nagsimula na ngayong araw ang botohan para sa consititutional reform na magiging daan din upang bigyan ng ikalimang pagkakataon si Russian President Vladimir Putin na manatiling pinuno ng nasabing bansa.

Bawat mamamayan ng Russia ay boboto kung sang-ayon sila sa reporma sa konstitusyon. Tatagal hanggang sa susunod na Miyerkules.

Unang inilatag ni Putin noong Enero ang draft para sa naturang amyenda na magbibigay sa kaniya ng pagkakataon upang muling tumakbo bilang pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

Kahapon ay nagsagawa ang administrasyon ni Putin ng military parade bilang paggunita sa pagkaka-isa ng buong bansa.

Sa kabila naman ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus pandemic ay pinayagan na nito na luwagan ang mga ipinatupad na patakaran upang iwasan ang tuluyang pagkalat ng virus.