-- Advertisements --

Hawak na ng Boston Celtics ang ang no.1 spot sa Eastern Conference matapos pataubin ang ang Philadelphia 76ers, 117 – 107.

Nagbuhos si Celtics Forward Jayson Tatum ng 29 points 8 rebounds para pangunahan ang opensa ng Boston, habang 27 points 5 assists naman ang ang naging ambag ng guard na si Derrick White.

Kapwa nagpasok ng tig-20 points sina Joel Embiis at Tyrese Maxey sa naging pagkatalo ng Sixers, habang tig-16 points ang kontribusyon ng tatlo nitong players: Tobias Harris, Robert Covington, at De’Anthony Melton.

Dominado ng Sixers ang paint area sa buong game kung saan 54 points ang nagawa nila sa loob nito habang 40 points lamang sa Celtics.

Gayonpaman, nagawa ng Boston na magpasok ng 18 3-points sa kabuuan ng laro. Tanging 11 3-points lamang ang kasagutan dito ng Sixers

Ipinakita rin ng Boston Celtics ang defensive side nito matapos magtala ng walong blocks sa kabuuan ng game habang isa lamang ang nagawa ng kalaban.

Batay sa Eastern Conference standing sa kaslaukuyan, ang Boston ang may hawak sa top spot na mayroong 9 – 2. Sinundan ito ng Sixers na may 8 – 3, habang 7 – 4 naman ang Pacers.