KALIBO, Aklan – Napabilang ang Isla ng Boracay sa “30 Best Winter Vacations to Take This Season.”

Sa pinakahuling survey na ipinalabas ng international travel magazine na Conde Nast Traveler, nakasama ang pamosong isla sa mga magandang puntahan ngayon panahon.

Tanyag ang Boracay sa maputi at mala-polbong buhangin at asul na tubig-dagat na patok sa mga mahilig magtampisaw at magsagawa ng snorkeling.

Dinadayo rin ang lugar dahil sa Instagrammable na sunset.

Kinilala rin ang isla na pangunahing tourist spot sa rehiyon dahil sa nightlife.

Umaasa ang mga resort at hotel owners sa isla na madagdagan ang kanilang bookings ngayong Pasko at Bagong Taon matapos makasama ang Boracay sa “30 Best Winter Vacations to Take This Season.”