Nahaharap sa limang taong pagkakakulong ang milyonaryong negosyante matapos nitong aminin sa harap ng korte ang ginawa nitong pakikipag-sex sa isang 15-anyos na estudyante.

Kinilala ang suspek na si Stephen Bradley Mell, 53-anyos at bond trader mula sa New Jersey.

Base sa court documents, tahasang inamin ng negosyante ang pangmo-molestiya na kanyang ginawa.

Kwento nito, kinausap umano siya ng mismong ina ng dalaga upang bigyan ito ng flying lessons.

Ayon pa rito, nagsimula silang mag-usap ng biktima noong 2017. Ang palitan nila ng mensahe ay naglalaman ng mga katanungan kung marunong daw ba ang dalaga ng oral sex.

Di kalaunan ay inimbitahan na ng suspek ang biktima na magbakasyon sa kanyang bahay sa Bedminster na matatagpuan sa Somerset County.

Dito raw naganap ang unang pagtatalik ng dalawa.

Kinumpirma rin ng biktima na noong 2017 ng makipag-sex muli ito sa dalaga habang sakay ng kanyang eroplano.

Hindi naman lubos akalain ng ina ng biktima na ibang “eroplano” pala ang gagawin ng suspek sa kanyang anak.