Bikoy Advincula
Peter Joemel Advincula

Nagbanta ang Malacañang na mayroong “bomba” umanong pasasabugin para tuluyang mawasak ang pagkatao at kredibilidad ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy at ang grupong gumagamit sa kanya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa umpisa pa lamang ay wasak na ang kredibilidad ni Bikoy dahil halatang black propaganda lamang ang kanyang viral video na nagsasangkot sa ilang miyembro ng pamilyang Duterte sa illegal drugs trade.

Ayon kay Sec. Panelo, una nang sinabi ni Bikoy may tattoo na dragon sa likod si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na simbolo umano ng pagiging konektado sa international drug syndicate pero napabulaanan sa dalawang beses na pagpapakita ni Go sa kanyang likod.

Inihayag ni Sec. Panelo na hinihintay lamang nito ang ilang dokumento partikular mula sa PNP at National Bureau of Investigation (NBI).