Reading Time: 1 minute
Bobby Ray Parks Jr
Bobby Ray Parks Jr/Twitter post

Hindi tinanggap ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks Jr. ang imbitasyon ni Gilas coach Yeng Guiao na sumama sa kanilang practice.

Sinabi ni Guiao, na dahil sa hindi pagsama ni Parks ay nangangahulugan na wala na itong interest sa pagsama sa national team.

Dahil sa hindi na pagsama ni Parks ay isasama na lamang niya ang NLEX player na si Kiefer Ravena.

Dagdag pa ni Guiao na kahit suspendido ng 18 buwan si Raven ng FIBA dahil sa paglabag sa anti-doping regulations ay maaari aniya itong makasama sa ensayo.

Sa kasalukuyan aniya ay nasa US si Ravena at ito ay babalik sa bansa para makasama na nila ito sa ensayo.

Kasalukuyang naghahanda ang Gilas para sa FIBA World Cup na gaganapin sa China na magsisimula sa buwan ng Agosto.