Reading Time: 2 minutes
WINSET JACOT 3
Singer and composer Winset Rose Jacot

CEBU CITY – Hindi malaman ni Winset Rose Jacot ng Cagayan De Oro, isa sa grand finalist ng 3rd National Bombo Music Festival 2020 ang kanyang nararamdaman matapos na masali siya sa 12 finalists.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Jacot sinabi nitong hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman kung tatalon ba siya, iiyak, tatawa o magpagulong-gulong sa sobrang saya.

Malaki ang pasasalamat ni Jacot sa Bombo Radyo Philippines dahil umano sa Bombo Music Festival ay napatunayan niya sa mga taong nangungutya sa kanyang pagkanta na may mararating ang kanyang passion.

Napag-alaman kasi na graduate si Jacot ni nursing pero hindi niya ito tinapos dahil mas gusto niyang kumanta, kaya naman ‘di maiwasan na sinasabi ng ibang tao “na sayang siya dahil walang mangyayari kung pagkanta ang kanyang aatupagin.”

Kaya noong nakapasok siya sa Bombo Music Festival, nasabi niya sa sarili na may mararating naman pala siya.

BMF WINSET JACOT

Nagsample din si Jacot ng kanyang kanta na “Kung mahal mo siya” na siyang susi para makapasok muli siya sa finals.

Dahil sa angking galing ni Ms. Jacot ito na ang pangalawang pagkakataon na napasama muli siya sa prestihiyosong kompetisyon para sa mga orihinal na komposisyon.