Aminado ang Portland Trail Blazers na marami pa silang kailangang gawing adjustments sa kanilang hanay kasunod ng pagyuko nila sa Golden State Warriors sa Game 1 ng kanilang Western Conference Finals.

Matatandaang pinamunuan ni Stephen Curry na umiskor ng 36 points ang defending champions upang makabuwena mano ng panalo sa kanilang best-of-seven showdown.

Ayon kay Blazers coach Terry Stotts, ilang mga aspeto ang kanilang aayusin, partikular sa kanilang opensa at depensa.

Pangunahin din umano sa kanilang hahanapan ng solusyon bago ang Game 2 sa Biyernes ang pagbantay kay Curry, na nagpakawala rin ng siyam na 3-pointers sa laro kanina.

“It’s not one-and-done. We’ve got a series, it’s one loss,” ani Stotts. “We’ve got to play better, particularly at the offensive end, but we’ve got to be better at both ends.”