Naging emosyonal ang pakiki-usap ni Philonise Floyd, nakababatang kapatid ng African American na si George Floyd, upang ipasa ng US House of Congress ang reporma sa umano’y kinakailangan ng police department sa Estados Unidos.

Sa pagharap ni Floyd sa myembro ng House of Judiciary Committee, mangiyak-ngiyak nitong idinetalye ang tila pagiging bangungot para sa kanilang pamilya ang biglaang pagkamatay ng kaniyang nakatatandang kapatid.

Ayon kay Philonise, masakit umano para sa kanila ang katotohanan na kayang-kaya panoorin ng mga bata ang viral video kung saan makikita ang pagmamaka-awa ni George sa mga pulis na nang-harass sa kaniya.

Nanindigan din ito na dapat manatili sa kulungan ang apat na otoridad na nasa likod ng pagkamatay ng kaniyang kuya.

Panawagan din ni Philonise sa lahat na pakinggan ang matagal nang pagmamakaawa ng mga Black Americans para sa pantay na pakikitungo at hustisya.

“He pleaded for his life. He said he couldn’t breathe. He pleaded for his life,” Floyd said. “Justice has to be served.”

“Anyone with a heart, they know that that’s wrong. You don’t do that to a human being. You don’t do that to an animal,” Floyd continued. “All lives matter, black lives matter.”

“I can’t tell you the kind of pain you feel when you watch something like that — when you watch your big brother, who you looked up to your whole entire life, die, die begging for his mom,” saad nito.

“I’m here to ask you to make it stop. Stop the pain, stop us from being tired. George called for help, and he was ignored. Please listen to the call I’m making to you now, to the calls of our family, and the calls ringing out in the streets across the world.”

Ang naturang pagdinig hinggil sa police brutality at racial profiling ay isinagawa makaraang ikonsidera ng ilang mambabatas sa Amerika ang policing overhaul bill na inilatag ng mga Democrats, isang araw matapos ang pribadong funeral service kay George Floyd sa Houston, Texas.