Prince Harry
Prince Harry/ IG post

Pinaikli ni Prince Harry ang kaniyang biyahe sa Netherlands dahil sa nalalapit na panganganak ng asawang si Meghan.

Nakatakdang bumiyahe sa nabanggit na bansa si Harry sa susunod na linggo subalit imbes na dalawang araw ito mananatili ay magiging isang araw na lamang.

Ayon sa Bukingham Palace, na desiyon ng mag-asawa ang nasabing pagpaiksi ng biyahe ng Duke of Sussex sa darating na Mayo 8, 2019.

Magugunitang pinili ng mag-asawa na maging pribado ang paglabas ng kanilang anak.