Inatasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Philippine offshore gaming operators (Pogo) na bayaran ang P3.4 billion na income taxes mula sa mga empleyado nilang dayuhan na karamihan ay mga Chinese.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, inabisuhan na nila ang mga kompaniyang sangkot dalawang linggo na ang nakakalipas.

Nakita kasi ng BIR na hindi angkop ang bilang ng mga dayuhan manggagawa na kinuha ng mga foreign employers kumpara sa listahan na hawak ng gobyerno na nabigyan ng karampatang dokumento na magtrabaho sa bansa.

Binalaan pa ni Dulay na ang mga employers na hindi tutugon ay mahaharap sa mas mabigat na kaparusahan.

Lumabas sa listahan ng Department of Finance na mayroong 12,000 mga manggagawang dayuhan ang hindi nagbabayad ng kanilang income taxes.