Nagbabala si House Committee on Games and Amusement chairman Eric Yap na ipa-contempt ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BIR).

Ito ay matapos na bigong makapunta ang mga taga-BIR sa pagdinig ng komite ni Yap sa patungkol sa paglaganap ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Iginiit ni Yap na mahalaga ang papel ng BIR sa naturang pagdinig gayong natuklasan noong nakaraang linggo na P50 billion na buwis ang hindi nababayaran ng POGOs.

Sinabi ni Atty Jose Tria Jr., Acting Assistant Vice President ng Offshore Gaming and Licensing Department ng PAGCOR, na kasabay nang pagtaas ng kanilang koleksyon ay ang pagtaas naman ng buwis na hindi nakokolekta ng BIR sa POGO inudtsry.

Mas maliliwanagan sana ayon kay Yap ang usapin na ito kung dumalo lamang sa pagdinig ng komite nitong araw ang mga opisyal ng BIR.

-- Advertisement --