Reading Time: 1 minute

VIGAN CITY – Proud parent ang isang school principal sa Ilocos Sur matapos magtapos na summa cum laude ang kanyang anak na graduate ng BS Biology sa University of the Philippines – Baguio.

Sa panayam ng Bombo Radyo hindi maitago proud mom na si Santos Bal-iyang ng Quirino National High School ang kanyang kagalakan nang kumpirmahin mismo sa kanila ng anak na si Kenworth Bryle ang ulat ng university registrar.

Aminado ang ina na matalino ang kanyang anak na dati na ring nagtapo bilang honor student at class valedictorian noong high school.

Pero hindi raw nito inasahan na masusungkit ng anak ang ikalawa sa pinaka-mataas na latin honor sa kolehiyo.

Si Kenworth ang ikalawang graduate ng UP Baguio na naka-sungkit ng summa cum laude honor dahil sa kanyang general weighted average na 1.141-percent.

Taong 2017 nang unang maitala ang summa cum laude record sa naturang UP campus nang makamit ng BA Communication graduate na si Jahzeel Abihail Cruz ang 1.15-percent na average.