BUTUAN CITY – Pinaghihinalaan ng mga kaanak ng binatilyo na ang problema sa lovelife ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay gamit ang lubid.

Natagpan na lamang nitong alas-12 ng hatinggabi ng Martes ang biktima na nakabitin na sa likurang bahagi ng pintuan ng kanilang bahay ang 17-anyos na biktimang tinago lang sa pangalang alyas Macki, residente ng Brgy. Kauswagan, Cabadbaran City, lalawigan ng Agusan del Norte.

Napag-alamang kasama ang biktima sa isang pagtitipon at nang bigla itong nawala ay pinaghahahanp na hanggang sa natagpuang nakabitin na at tinalian ng lubid ang leeg nito at itinakbo pa ito sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician matapos dalhin sa ospital.

Sinasabing hiniwalayan umano ang biktima ng kanyang girlfriend bago ang nasabing insidente.