Nakuhanan ng hinihinalang marijuana ang isang binatilyo sa loob ng sementeryo sa Parañaque City.

Nakuha sa 15-anyos na binatilyo ang dalawang gramo ng pinaghihinalaang marijuana.

Sinabi ni Police Maj. Anthony Alising ng Parañaque City police, sinita nila ang binatilyo dahil sa wala itong helmet.

Subalit tumakas ito papalayo at sumemplang.

Dito nakuha sa kustodiya niya ang nasabing droga.