ROXAS CITY – Patay ang 12-anyos na binatilyo matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa bayan ng Ivisan, Capiz.

Naabutan ng ina ang menor de edad na anak na nakahiga sa upuan at humihinga pa.

-- Advertisement --

Kinutuban ito ng masama dahil may nakita itong dugo sa bibig ng anak at katabi nito ang lubid na ginamit ni alyas “Doy” sa pagkitil ng kanyang buhay.

Naniniwala ang ginang na mismong ang anak nito ang naglagay ng lubid sa kanyang leeg at ito rin mismo ang nagtanggal matapos maramdaman ang sakit at napagtanto na kasalanan ang ginawa.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Labis naman ang paghihinagpis ng ginang sa pagkawala ng anak kung saan hindi niya maiwasan na tanungin ang sarili kung saan ito nagkulang bilang ina.

Naniniwala ang ginang na galit ang dahilan ng pagpapakamatay ng anak dahil hindi nito naibenta ang nakuhang mga hipon sa pangingisda ang kasama ang kaniyang ama.