Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa pagamutan ang isang binata na pinagbabaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Forag Adam,19 anyos at residente ng Mother Barangay Poblacion Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima sa tapat ng Dela Vida College, Notre Dame Avenue Rosary Heights 2 Cotabato City na bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa lungsod ng Cotabato.

Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.