-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Problema sa pag-ibig ang nakikitang dahilan ng umano’y pagpapakamatay ng isang construction worker sa Purok 9, Pinsao Proper, Baguio City.

Ang naturang construction worker ay 23-anyos, binata at tubo ng Sison, Pangasinan.

Ayon sa Baguio City Police Station, natagpuan na lamang na nakabitin ang nasabing binata sa pamamagitan ng electrical cord sa construction site na pinagtrabahuan nito.

Natuklasan ng pulisya na bago ang umano’y pagpapakamatay ng binata ay nakipag-inuman pa ito ng alak sa kanyang mga katrabaho.

Tumanggi ang pamilya na isailalim sa otopsiya ang bangkay.