Reading Time: 1 minute

Isasagawa na sa Lunes ng Department of Justice (DoJ) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ceremonial signing ng internal rules and regulation (IRR) ng good conduct time allowance (GCTA) Law na nireview at binalangkas ng oversight committee.

Una rito, kinumpirma mismo ni Justice Secretary Menardo Guevarra na natanggap na nila ni Interior Secretary Eduardo Año ang report ng oversight committee na nag-review at bumalangkas ng implementing rules and regulations kaugnay ng GCTA.

Base sa text message ni Guevarra, kasalukuyan nang pinag-aaralan ni Año ang draft ng IRR na isinumite ng komite na pinamunuan ni Usec. Deo Marco.

Nilinaw naman ni Guevarra na kapag nareview na nila ito ni Año ay saka pa lamang nila ito lalagdaan para mai-publish bago ipatupad.