Ibinunyag ng kampo ng legendary billiard player na si Jeanette “The Black Widow” Lee na mayroon itong stage four ovarian cancer.

Ayon sa kaniyang mga kaanak na mayroon na itong taning ng hanggang isang taon na mabuhay dahil sa nasabing sakit nito.

Patuloy pa rin aniya ang pakikipaglaban nito para ito ay agad na gumaling.

Nagsimula ang paglalaro nito ng billiard tatlong dekada na ang nakakaraan kung saan sumikat ito noong dekada 90.

Naging ranked number sa buong mundo ito at ipinangalan sa kaniya ang isang uri ng gagamba dahil sa husay nito sa paglalaro ng billiards.

-- Advertisement --

Taong 2013 ng hirangin siyang Billiard Congress of America Hall of Fame.

Mula noon ay napilitan itong huminto sa paglalaro dahil sa pakikipaglaban din sa scoliosis.

Dadaan ngayon ito sa ilang operasyon sa mga susunod na mga araw para mapabagal ang pagkalat ng cancer.