Reading Time: 1 minute

Lusot na sa komite ng Kamara ang panukalang batas na nagsusulong sa reporrma ng corporate tax at incentives.

Sa botong 27-2, lumusot sa House Committee on Ways and Means ang Corporate Income Tax and Incentive Reform (CITIRA) Bill.

Ito’y dahil na rin sa bisa ng House Rule 10 Section 48 makaraang aprubahan ang bersyon nito noong 17th Congress.

Sa ilalim ng panukala, target nitong ibaba sa 20-percent ang corporate income tax mula sa 30-percent na kasalukuyang rate ng buwis para dagdag kita ng gobyerno.

Magsisimulang lumakad ang panukalang batas sa 2-porsyentong kaltas kada taon hanggang maabot ang 20-percent na target decrease.

Bukod dito, magkakaroon din umano ng rationalization ng mga fiscal incentives na ibinibigay sa mga negosyo na nais gawing performance-based, targeted, time-bound at transparent.

Ang panukalang ito ay nagtitiyak din na maibibigay sa mga karapat-dapat na negosyo at sa mga nagsisimula pa lamang na lumagong negosyo.