-- Advertisements --

Umakyat na sa 313 ang kabuuang bilang ng mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel ang infected ng COVID-19.

Sa isang statement, sinabi ng PCG na pinaigting pa nila sa ngayon ang promotion ng personnel welfare upang sa gayon ay ma-control ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawang empleyado sa loob ng ahensya.

Ipinag-utos na ni Vice Admiral George Ursabia sa Task Force Bayanihan ROF na tiyakin na ang mga infected nilang tauhan ay kaagad na ma-pul out sa kanilang stations at mabigyan ng medical assistance.

Sinabi ni Ursabia na sa kabuuang bilang ng mga positibong kaso, 83 na ang naka-recover sa COVID-19.

Patuloy naman ang kanilang ginagawang monitoring sa health condition ng kanilang mga empleyado para matiyak na gagaling ang mga ito.

Ayon sa PCG, ang mga infected personnel nila ay pawang naka-deploy sa mga strategic areas para magmando sa health at safety ng mga umuuwing OFWs, locally stranded individuals, kapwa frontline workers at iba pa.