Diamond Princess 1
Diamond Princess

Nadagdagan pa ang bilang mga pasahero ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Japan ang nadapuan ng novel coronavirus.

-- Advertisement --

Umabot na sa bilang na 70 ang nakitaan ng sintomas ng nasabing virus.

Ayon sa Japanese Ministry of Health, ang limang mga crew members at isang pasahero na kinabibilangan ng apat na Filipino, isang Americans at isang Ukraine ay walang gaanong seryosong sintomas.

Sa kabuuang 3,700 ang sakay ng barko at 2,600 ang mga pasahero.

Magugunitang mula pa noong nakaraang Lunes ay naka-quarantine ang nasabing mga pasahero ng cruise ship matapos magpositibo sa novel coronavirus.