-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga probinsya na nasa ilalim ng gale warning dahil sa banta ng malalakas na paghangin.

Kinabibilangan ito ng mga karagatan ng Northern Luzon, eastern seaboard ng Central Luzon, at western at eastern seaboards ng Southern Luzon.

Para sa Luzon, kasama rito ang mga probinsya ng Batanes, Cagayan, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Aurora, Kalayaan Islands, Northern Quezon(General Nakar), Polillo Islands, Camarines Norte, Albay, Sorsogon, at Northern at Eastern coasts ng Catanduanes.

Sa Visayas Region, kinabibilangan ito ng eastern seaboard ng Visayas, katulad ng Northern at Eastern coasts ng Northern Samar at Eastern coast ngEastern Samar.

Posibleng abutin ng mula 2.8 hanggang 4.5 meters ang taas ng mga alon sa mga naturang katubigan.