Nanawagan ang Commission on Population and Development (POPCOM) ng social support para sa mga menor-de-edad na maagang nabubuntis.

Ito ay matapos maitala ng state statistics bureau na tumaas pa ng 7% ang naitalang pagdadalang-tao ng mga kababaihang nasa edad 15-anyos pababa kumpara sa mga nagdaang taon.

-- Advertisement --

Sa madaling salita, mahigit 2,000 o pitong menor-de-edad na may edad 10 hanggang 14 ang nanganganak bawat araw. Di hamak umano na mas mataas ito ng tatlong beses simula noong 2002, kung saan 755 sa nasabing age group ang nanganganak.

Sa isang pahayag, sinabi ng POPCOM na ito na ang ika-siyam na taong tumaas ang pregnancy rate sa bansa simula noong 2011.

Dagdag pa nito na bawat tatlone menor-de-edad na nanganganak ay mula sa CALABARZON, Metro Manila, Central Luzon, Cebu, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at Cotabato.

POPCOM said in a statement this is the 9th year the rate has increased since 2011, noting that one out of every 10 pregnancies in the Philippines has been among teenagers, as the trend of younger girls giving birth continues to rise.

Nababahala naman dito si Undersecretary of Population and Development Juan Antonio Perz III.

Una nang hiniling ng Kongreso sa komisyon na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magbigay ng social protection para sa mga adolescent mothers at kanilang mga anak.