alyas bikoy advincula
Peter Joemel Advincula alyas Bikoy during a press conference at Camp Crame

Hindi natatakot si alias Bikoy na si Peter Joemel Advincula na makaharap muli si Senador Antonio Trillanes IV.

Ito’y matapos umalma si Trillanes sa akusasyon nito at nagbanta na pag aaralan nito ang pagsasampa ng kaso kay Advincula.

Sa panayam kay Bikoy matapos sumailaim sa booking procedure, sinabi ni Advincula na handa syang makaharap kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Paliwanag pa nya, wala syang direktang komunikasyon kay Trillanes pero mayroon syang mga hawak na ebidensya na makapagdidiin dito.

Anya, lagi nyang kausap ang Chief security nito na si Joenel at ito ang humaharap sa kanya.

Ipinakita nya rin ang kanyang cellphone na naglalamam ng usapan nila ni Joenel pero “aide jerome” ang pangalan nito sa kanyang inbox.

Nasa kanya rin daw ang susi ng condominum sa Pasig kung saan ginagawa ang pagpupulong para pabagsakin si Pangulong Duterte.