-- Advertisements --
Nakatakdang magpatupad ng big-time rollback sa mga produktong petrolyo ang iba’t ibang kompanya ng langis bukas, Disyembre 7, 2021.
Ito na ang ika-limang magkakasunod na linggo na nagkakaroon ng rollback sa presyo ng langis.
Sa isang advisory, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na bukas ay magkakaroon ng P2.40 na rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina, P2.65 sa diesel, at P2.70 naman sa kerosene.
Ang Cleanfuel ay magpapatupad din ng kaparehong price adjustments, maliban na lamang sa kerosene dahil wala naman talaga silang benta nito.
Alas-6:00 ng umaga ipapatupad ang roll back na ito para sa Pilipinas Shell Petroleum Corp, habang alas-8:01 naman sa Cleanfuel.