Umaasa si Amir Khan (33-4, 20KOs) na muling babango ang kanyang career kung ma-upset niya ang American unbeaten champion Terence Crawford (34-0, 25KOs) bukas sa Madison Square Garden sa New York.

Sa naturang championship fight nakataya ang WBO crown ni Crawford na kanyang unang nasungkit kay Jeff Horn at nadepensahan naman nya noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Bagamat beterano na at may dalawang sunod ding panalo si Khan bago umakyat bukas ng ring, siya naman ay underdog sa kalaban na three-weight world champion.

Ayon sa dating British champion na si Khan, alam niyang delikadong boksingero si Crawford at ang eksperyensa daw niya ang magdadala sa kanyang panalo.

Muli ring inulit ni Amir na kaya niya tinanggap ang laban dahil alam daw niyang mananalo.

-- Advertisement --

“As I’ve got older now and more experienced it’s now about making sure I just get win, no matter how it is,” ani Khan.