CENTRAL MINDANAO – Mariing itinanggi ni Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) Spokesman Kumander Abu Misry Mama ang pahayag nang militar sa panibagong pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Mama, hindi umano nila idadamay ang mga inosenteng sibilyan sa kanilang pinaglalaban. Aniya, nananatili lamang daw sa kanilang kampo ang kanilang mga tauhan lalo na at may mga kinakaharap silang warrant of arrest.

Hindi rin daw makakalusot ang kanilang mga miyembro na makapagtanim ng bomba dahil sa mahigpit na seguridad na ipinapatupad ng militar at pulisya.

Una nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) na gawa sa mga pako sa loob ng Carlitos Chicken Restaurant sa Brgy Calawag 2, Isulan, Sultan Kudarat kung saan umabot sa 18 ang nasugatan.

Hanggang ngayon ay ginagamot pa ang mga biktima sa ilang ospital.

Habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagtunton sa mga suspek.