Clinton Biden
-- Advertisements --

Nakausap ni US President Joe Biden si dating Pangulong Bill Clinton matapos na ito ay madala sa pagamutan.

Ayon sa White House, tinawagan ni Biden si Clinton at kinumusta ang lagay nito habang nakaratay sa pagamutan.

Sinabi pa ni White House deputy press secretary Karine Jean-Pierre na umaasa si Biden na muli silang magkita si Clinton.

Magugunitang dinala sa pagamutan ang dating pangulo matapos na ito ay manghina at kasalukuyan na rin itong nagpapagaling.