Pinapadoble at pinapabilis ni US President Joe Biden ang paggawa ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Biden na tutulungan ng kumpanyang Merk ang katungali nitong Johnson and Johnson na gumawa ng mas maraming bakuna laban sa COVID-19.

-- Advertisement --

Hinikayat din nito ang ilang mga opisyal ng paaralan na magpaturok na ng bakuna laban sa COVID-19 para mapagbukas na ang mga paaralan.

Patuloy pa rin ang panawagan nito sa mamamayan na patuloy pa rin ang ginagawang health protocols dahil sa pananalasa pa rin ng bagong variant ng COVID-19.