-- Advertisements --

Kapwa kinondina nina US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris ang dumaraming kaso ng hate crimes laban sa mga Asian-Americans.

Sa pagbisita ng dalawang mataas na opisyal ng US sa Atlanta, nakipagpulong sila sa Asian-American community matapos ang naganap na pamamaril sa walong katao sa mga spa na anim dito ay mga babaeng Asyano.

Harris Biden White House 1

Sinabi ni Harris na hindi dapat manahimik ang bansa sa nagaganap na hate crimes at kailangan ito ay mahinto na.

Sinabi naman ni Biden na labis ang pagtaas ng kaso ng hate crimes mula pa noong nakaraang taon.

“Hate can have no safe harbour in America. It has to stop,” ani Biden.

-- Advertisement --

Hinikayat ng US president ang mga senador na ipasa ang panukalang batas na nagbibigay ng mabigat na parusa sa mga nagsasagawa ng hate crimes.

“It’s on all of us, all of us together, to make it stop… ugly poison that has long haunted and plagued our nation,” wika pa ni Pres. Biden.