LEGAZPI CITY – (Update) Ipinaliwanag ngayon ng kontrabersyal na vlogger sa Bicol na hindi “coronavirus prank” kundi parody sana ng nangyari sa lasing na Korean sa ParaƱaque, ang gagawin sa mall sa Legazpi.

Pero hindi na nabigyan ng pagkakataon na ma-edit at maipakita sa sariling channel ang vlog ng isang netizen ang nauna ng mag-upload nito.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Marlon de Vera o mas kilala sa tawag na “Uragon vlogger”, tinanggap nito ang labis na kalungkutan at pagkabigla sa nangyari.

Nitong umaga ng makiusap ito sa management ng mall para bigyan ng “second chance” na pinagbigyan naman.

Nagpasalamat pa ito sa mall na hindi na ipapatuloy ang kaso at nangako na papalitan na lang ang content sa channel.

-- Advertisement --

Pansamantala muna itong magpapahinga at sa pagbabalik, pipiliin na lang ang social experiment.

Samantala, makikipag-usap din ito sa Legazpi City PNP para i-atras na ang kaso sa nagawang public scandal.