Asahan na umano ng mga babiyahe sa Holy Week na magiging mas maikli ang pila sa mga paliparan, partikular na sa mga immigration counters, kumapra sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, marami na rin daw kasi silang dinagdag na mga immigration offers.

Kamakailan lang ay nag-hire nga raw sila ng karagdagang 300 na immigration officers para mas mapabuti pa ang kanilang serbisyo sa mga paliparan.

Bukod dito, sinabi ni Sandoval na naglagay na rin sila ng electronic gates sa mga paliparan upang makatulong sa bugso ng tao sa Holy Week.

Labinlimang segundo lamang aniya ang itatagal ng pagproseso sa isang pasahero, kaya asahan na raw ang mabilis na pag-usad ng pila.

-- Advertisement --