Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pilipinong nagbabalak na bumiyahe abroad bilang turista na restricted pa rin sa ngayon ang international travel dahil pa rin sa COVID-19.
Ginawa ni BI Commissioner Jaime Morente ang naturang pahayag matapos na makatanggap ng ulat na anim na mga Pilipino ang pinagbawalan kamakailan na pumunta sa Cambodia sa pamamagitan ng special chartered flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“We want to emphasize and reiterate that Filipinos are still prohibited from leaving the country unless they are Overseas Filipino Workers (OFWs), holders of study visas or permanent residents in the country of their destination,” ani Morente.
Umapela si Morente nang pag-unawa sa publiko dahil sa implementasyon ng umiiral na international travel restrictions alinsunod na rin sa direktiba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Base sa naturang report, pinababa sa kanilang flight noong Hunyo 29 ang aim na Pilipinong pasahero dahil hindi naman essential ang kanilang biyahe.
Hindi rin pasok ang mga biyaherong ito sa kategorya ng mga biyahero na exempted sa travel ban.
Ayon kay BI port operations acting chief Grifton Medina, patungong Phonm Penh ang naturang mga pasahero.
Dadalo sana raw ang mga ito sa isang business meeting patungkol sa shirmp farming.