Pinayuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na dumating sa airport tatlong oras bago ang kanilang flights ngayong Holy Week.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, inaasahan daw kasi ng ahensya ang maraming bilang ng mga pasahero tuwing Holy Week season.

Sa kabila nito, sinabi ni Medina na handa naman daw sila.

Inaasahan din umano nila na mas kakaunting oras ang ilalaan ng mga pasahero sa pila sa mga paliparan, maging ang sa mga immigration counters.

Ito ay matapos na magtalaga ang BI ng 57 immigration officers sa NAIA.

-- Advertisement --