BI bureau of immigration

Todo ngayon ang pagbabantay ng Bureau of Immigration (BI) sa mga entry points ng bansa para mapigilan ang pagpasok ng mga banyagang terorista.

Ang pahayag ng BI ay kasunod na rin ng mga lumabas na report ng terror threats sa ilang bansa sa Southeast Asia.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente lahat daw ng kanilang mga personnel sa lahat ng international airports at seaports nationwide ay lagi namang nakaalerto para hindi makalusot ang mga teroristang galing pa sa ibang bansa.

Dagdag ni Morente mabusisi raw ang immigration officers sa pagpayag sa mga foreign nationals sa bansa na mayroong kaduda-dudang layunin.

Siniguro rin ni ni Morente na patuloy umano ang BI sa pagmintina ng database ng mga suspected international terrorists.

-- Advertisement --

Dahil dito, kahit ano mang tangka ng mga itong pumasok sa bansa ay siguradong mahaharang ng mga immigration inspectors na nasa port of entry.

“Our personnel in all international airports and seaports nationwide are always on alert to prevent these foreign terrorists from slipping into the country. Those who fail to satisfactorily explain their purpose in coming are turned away and booked on the first available flight back to their port of origin. We have a shared database with numerous local and international intelligence agencies including the Interpol. This database and other derogatory files are integrated into the electronic system, regularly updated, and is used by our immigration officers in processing and conducting arrival formalities for passengers, thus allowing us to detect such attempts,” ani Morente.

Samantala, muling ipinaalala ni Morente na restricted pa rin ang pagpasokg ng mga banyaga sa bansa dahil sa travel ban na ipinatutupad ng bansa para mapigilan ang paglaganap ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).