-- Advertisements --
BI bureau of immigration

Suspendido ngayon ang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang main office sa Intramuros, Manila matapos nagpositibo ang isa nilang empleyado sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Ang naturang empleyado ay positibo raw sa rapid test noong Hunyo 2 at muling nagpositibo sa confirmatory swab test noong Sabado.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, isasara ang kanilang main office ngayong tanghali para sa disinfection na isasagawa ng general services section.

Sinabi naman ni Morente na magbibigay na lamang sila ng abiso sa may mga appointment sa BI na idinaan sa online appointment system kung kailan sila puwedeng pumunta sa opisina ng Immigration.

Pinayuhan din niya ang mga may appointment sa BI na laging bisitahin ang kanilang website na immigration.gov.ph para sa mga update.

-- Advertisement --

Mananatili naman umanong bukas ang kanilang satellite offices sa Metro Manila.

“We have decided to temporarily close our main office to protect not only our employees but that of the transacting public as well against this deadly virus,” ayon sa BI chief.