Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang Bureau of Immigration (BI) na palakasin ang proseso ng verification at pabilisin ang proseso ng deportasyon laban sa mga dayuhang napag-alamang lumalabag sa immigration laws ng bansa.
Ayon kay Remulla, ipinag-utos na niya sa mga immigration officers na gumawa ng kinakailangan hakbvang at remedyo ang ganitong mga isyu.
Huwag rin aniyang huminto sa pagharang at paghahabol sa foreign fugitives.
Inatasan rin ng kalihim ang BI na suriin at i-update ang watchlist system nito upang matiyak ang napapanahong pagpapalitan ng impormasyon sa mga international agencies na nagpapatupad ng batas pati na rin sa mga kasosyong bansa at magsagawa ng regular na pagsasanay para sa mga opisyal ng imigrasyon.
Layon aniya nito na makapasok sa bansa ang mga fugitive foreign national na maaaring maging banta sa seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino.
Mahigpit rin na binalaan ng kalihim ang mga naghahanap ng taguan sa Pilipinas.
Aniya, ang Pilipinas ay hindi kailanman santuwaryo ng mga pugante at tiniyak na hindi ito makakatakas sa batas.
Samantala, pinuri rin ni Secretary Remulla ang BI sa pagiging alerto nito sa pag-secure sa lahat ng mga points of entry and exit sa bansa.
Nananatili rin aniyang committed ang DOJ at BI sa pagtataguyod ng mga immigration laws ng Pilipinas, pagpapalakas ng mga hakbang sa seguridad sa mga border ng bansa, at pakikipagtulungan sa mga internasyonal na kasosyo upang epektibong maiwasan ang pagpasok ng mga pugante, mga indibidwal na nagbabanta sa pambansang seguridad, at mga lumalabag sa mga regulasyon sa imigrasyon.