Bureau of Immigration

Inanunsiyo ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na ang kanilang central offices sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay babalik na sa original workplace sa Terminal 3 building.

Dahil dito, pinasalamatan ni BI Commissioner Jaime Morente si Manila Intenational Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa pagpayag nilang bumalik na sa kanilang mga opisina sa Terminal 3.

Ayon kay Morente, ang hakbang ng MIAA ay para na rin ma-promote ang physical distancing  ng mga empleyado para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus diseas 2019 (COVID-19).

Una rito, inilipat sa Terminal 1 ang opisina ng BI-NAIA dalawang buwan na ang nakakaraan matapos ang tigil operasyon ng MIAA sa kanilang tatlong terminal dahil sa pagkansela sa karamihansa mga international flights ng iba’t ibang airlines dulot ng COVID-19 outbreak.

Dagdag ni Morente, ang kanilang paglipat ng opisina ay bilang paghahanda na rin sa pagbababalik ng normal na operasyon ng bureau sa NAIA dahil sa plano ng ilang airlines na magkakakaroon na ng international flights sa July 1 gamit ang pasilidad ng Terminal 3.

“We anticipate more flights in the coming days due to reports that there are still thousands of Overseas Filipino Workers(OFWs) stranded abroad who are awaiting repatriation.  We assure the public that we have the necessary manpower who will be on duty to serve these flights,” ani Morente.

Tiniyak naman ng BI chief na kahit mag-uumpisa na ang kanilang transition sa “new normal” ay patuloy pa rin naman ang kanilang pagpapatupad ng mahigpit na health protocols para sa mga frontliners at iba pang personnel para maptrotektahan laban sa virus.