mangingisda
-- Advertisements --

Pumayag na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na alamin ang posibilidad hinggil sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga mangingisda at payagan silang palawakin ang kanilang pangingisda sa West Philippine Sea.

Sa isang panayam, sinabi ni Armed Forces of the Philippines Western Command (WESCOM) chairman Vice Admiral Ramil Enriquez na ilang mga mangingisda ang napipilitang limitahan ang kanilang pangingisda dahil sa limitadong pondo para sa supply nila ng krudo.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay hiniling ng Department of Energy (DOE) sa Kongreso na amiyendahan ang Oil Deregulation Law para payagan ang intervention ng gobyerno kasunod na rin nang pagtaas kamakailan ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Bukod sa oil subsidy para sa mga mangingisda, sinabi ni Enriquez na magtatayo sila ng sheltered ports sa Kalayaan Group of Islands para mayroong masilungan ang mga mangingisda sa tuwing masama ang lagay ng panahon.

Samantala, nang matanong naman tungkol sa harassment ng mga barkio ng China sa mga mangingisdang Pilipino, sinabi ni Enriquez na wala pa silang natatanggap na report ukol dito.

-- Advertisement --