-- Advertisements --
POGO 2

Bumaba ang economic benefits mula sa Pilippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ayon sa Department of Finance ( DOF).

Ginawa ni Finance Undersecretary Cielo Magno ang naturang pahayag sa isang pagdinig ng House labor panel sa kasalukuyang profile ng POGOs, sa mga revenue na nakukuha mula sa POGO at impact sa employment at sa ekonomiya.

Ayon kay Magno, mula sa P7.18 billion sa buwis na nakokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa POGO noong 2020, bumaba ng hanggang P3.91 billion noong 2021 at umabot lamang sa P3.90 billion mula noong Enero hanggang Hulyo 2022.

Kabilang dito ang P300 million na nakolekta mula sa corporate income taxes, P2.7 billion mula sawithholding taxes ng POGO employees, at P800 million mula sa iba pang buwis gaya ng business tax at franchise tax.

Mula naman sa P8 billion na nakolekta noong 2019, ang revenues mula sa POGO na iniulat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay bumaba ng hanggang P5.28 billion noong 2020 at bumulusok pa sa P3.47 billion noong 2021.

Sa kasalukuyang taon naman mula January hanggang July,ang nakolektang revenue mula sa POGO ay tanging nasa P1.7 billion.