Reading Time: 1 minute

angel neil

Masaya si Bela Padilla kaugnay sa nakatakadang pagpapakasal ng TV/film producer at dating nobyong si Neil Arce sa kapwa niya aktres na si Angel Locsin.

Pahayag ito ni Bela o Krista Elyse sa tunay na buhay, sa game na pagpapaunlak nito sa Q&A ng kanyang Instagram followers.

Isa sa mga naitanong kay Padilla ay kung nakaramdam ba raw siya ng kirot sa puso nang malamang engaged na si Arce.

“How’s your heart knowing that your ex is already engaged?” tanong ng netizen.

Deretsahan namang sumagot si Bela with matching smile emojis na, “Why would you assume that I’m affected? I’m happy for them.”

Una nang naiulat na bago ang 34-anyos na si Angel, galing si Arce sa five year relationship sa 28-anyos na si Bela.

January 2017 umano nang maghiwalay si Padilla at Arce kung saan inamin ng aktres na mas pinili niyang unahin ang kanyang trabaho kaya tila napabayaan ang love life.

Pitong taon namang magkaibigan sina Angel at Neil na nauwi sa magandang pagtitinginan noong March 2017, pero February 2018 lang nang kumpirmahin ang pagiging magkasintahan.