Anim na buwan matapos isapubliko ang bagong pag-ibig, aminado si Bela Padilla na mukha talagang “boring” ang relasyon nila ng kanyang boyfriend mula Switzerland.

Ayon sa 29-year-old actress, OK lang dahil posibleng ang pagiging boring couple nila ay susi kaya effective sa kanila ang LDR o long distance relationship kung saan halos isang taon na sila na puro video call lang.

“Naka-FaceTime lang kami na ako sumasagot ng crossword tapos siya nagtatrabaho kasi work from home siya ngayon. Ganun lang. Para din kayong hindi LDR kasi parang you do things together,” ani Padilla.

Dagdag nito, “Mas serious pero mas low-key, minsan tanga lang ‘yung pinag-uusapan namin pero nag-wo-work. Kanya kanya naman ‘yun eh. Kanya-kanya ng trip.”

Una nang inihayag ni Bela na kanyang nakilala niya ang noo’y naging kaibigan lamang na si Norman Ben Bay habang nasa taping ng kanyang 2018 film na “Meet Me In St. Gallen.”

Bago sa foreigner boyfriend, galing siya sa long time relationship sa TV producer na si Neil Arce na ngayon ay engaged na kay Angel Locsin.

Inamin ni Padilla na mas pinili niyang unahin ang kanyang trabaho kaya tila
napabayaan ang love life.

Tumagal din ng tatlong taon bago ito nagsapubliko ng kanyang natagpuang bagong pag-ibig.