Reading Time: 1 minute

Ititigil umano ng Beijing ang pag-iissue nito ng travel permits sa lahat ng turistang magnanais na bumisita ng Taiwan dahil na rin sa tensyon na namumuo sa pagitan ng dalawang estado.

Magiging epektibo ito sa halos 47 syudad na magsisimula na sa darating na Huwebes.

Nagsimula ang hindi pagkaka-intindihan ng dalawang panig matapos ang hayagang pagtutol ni Taiwan President Tsai Ing-wen sa “one country, two systems.”

Mas lalo pang naging mainit ang girian ng dalawang kampo matapos sabihin ni Tsai at ilang pulitiko na ang naturang palyadong sistema ng Beijing ang dahilan kung bakit nagkakagulo ngayon sa Hong Kong.