San Miguel Beermen
SMB/ PBA image

Naitabla na ng San Miguel Beermen sa 1-1 ang best of seven PBA Philippine Cup finals nila ng Magnolia Hotshots 108-101.

Kontrolado ng Beermen ang laro mula sa unang quarter kung saan umabot pa sa halos 20 ang puntos na lamang nila kontra Magnolia.

Pinangunahan ni Chris Ross ang panalo ng Beermen na nagtala ng 15 points, anim na rebounds at tatlong assists habang mayroong 16 points at 14 rebounds si June Mar Fajardo.

Mayroong tig 13 points sina Christian Standhardinger at Terrence Romeo habang 16 points naman si Alex Cabagnot at nag-ambag ng 15 points si Marcio Lassiter.

Ayon kay Beermen coach Leo Austria, na iniiwasan nila ang 0-2 kaya pinilit nilang itabla sa 1-1 ang laban.

Pinatawan ng naman ng ejection sa paglalaro si Romeo matapos na magtamo ng dalawang technical ng makaalitan ang referee.