San Miguel Beermen
San Miguel Beermen/ PBA image

Pinatikim ng San Miguel Beermen ang pangalawang pagkatalo ng Phoenix FuelMasters 130-119 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Dez Wells na nakapagtala ng kabuuang 42 points.

Sinabi ni Wells na nakatuon ang kaniyang atensiyon para makuha ng Beermen ang kampeonato.

Pinasalamatan din nito ang kaniyang kasamahan sa koponan sa pangunguna ni Alex Cabagnot, Chris Ross at Arwind Santos.