Mrs Sri Lanka
-- Advertisements --

Nagtamo ng sugat sa kaniyang ulo ang nagwagi sa Mrs. Sri Lanka World beauty pageant matapos na agawin ang korona nito sa taas ng stage.

Matapos kasi na maideklarang panalo si Pushpika De Silva sa nasabing pageant ay inagaw ng 2019 winner na si Caroline Juire ang korona nito.

Inakusahan kasi nito na si De Silva at divorced sa kaniyang asawa sa pageant na ginanap sa Colombo.

Giit ni Jurie na dapat ang mga sumasali ay kasal at hindi divorce.

Nilinaw naman ng organizer na hiwalay lamang ito at hindi divorce kaya ibinalik rin ang titulo kay De Silva.
Itinakbo sa pagamutan si De Silva dahil sa pangyayari at desidido itong magsampa ng kaso laban kay Jurie.

-- Advertisement --