BAGUIO CITY – Idineklara ang bayan ng Conner sa lalawigan ng Apayao bilang kauna-unahang Minahang Bayan sa rehiyon ng Cordillera.

Ayon kay Mines Geosciences Bureau (MGB)-Cordillera Regional Director Fay Apil, naideklara ang nasabing bayan bilang Minahang Bayan sa buwan ng Pebrero.

Nilinaw niya na dapat na sumunod ang nasabing bayan sa hangarin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) bago pa man nag-apply para sa small-scale mining contract.

Maa-alalang noong December 2019 ay nas tatlomput tatlo ang application para sa Minahang Bayan ng Cordillera ngunit tatlo ang naaprubahan at ang dalawa ay ang Itogon, Benguet at sa Bakun, Benguet.