May tulong sa pagtaas ng trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pambabatikos sa kaniya.

-- Advertisement --

Sinabi ni presidential spokesman Salvador Panelo, napatunayan na ito noong mga nakaraang survey.

Dagdag pa nito na sa lalong dumaraming kritiko ay mas lalong tumataas ang trust rating ng pangulo.

Reaksyon ito ni Panelo sa patuloy na pagtaas ng trust ratings ni Pangulo base sa pinakahuling inilabas na survey.